Nanood kami ni Mhay ng Charlie and the Chocolate Factory kagabi. Sabi niya, siguradong magugustuhan ko ‘yung pelikula kasi mahilig ako sa tsokolate. Totoong mahilig ako sa tsokolate at sa marshmallow. Siguro dahil sa maliit pa ako’y gustung-gusto ko na ang mga ito at siguro, hindi sapat sa gusto ko ang nakuha ko noon.